Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘Filipino OFW’ Category

Good at bad news sa mga Pilipino na nais magtrabaho sa ibang bansa.

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong madagdagan ang pondo na magagamit sa agarang pagpapauwi ng mga magigipit na overseas Filipino Worker (OFW).

Ngunit sa ilalim ng House Bill (HB) No. 6195 na inihain ni Manila Rep. Ma. Theresa Bonoan-David, ang pondo ay manggagaling sa kontribusyon ng mismong mga Pinoy na nais makipagsapalaran sa ibang bansa.

Nakasaad sa panukalang batas na kailangan magbigay ng kontribusyon ang mga aalis na OFW ng $50 sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ilalaan naman sa Emergency Repatriation Fund.

“The bill intends to provide the necessary measures for the government to carry out its responsibilities to assist distressed OFWs in cases of war, epidemic, disaster or calamities, natural or man-made, and other similar events, and promote their general welfare,” paliwanag ng kongresista.

Aamyendahan ng panukalang batas ang Republic Act 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, upang mailagay ang probisyon na nagtatakda sa mga aalis na OFW na magbigay ng $50 para sa Emergency Repatriation Fund ng OWWA.

Sa kasalukuyan, nagbibigay ng $25 OWWA contribution ang mga umaalis na OFW.

Naniniwala si Bonoan-David na hindi sapat ang kasalukuyang pondo na nakapaloob sa Emergency Repatriation Fund na nilikha sa ilalim ng RA 8042, at pinamamahalaan ng OWWA.

“There are millions of OFWs all over the world which the Philippine government is mandated to protect and safeguard under RA 8042 but it seems incapable to efficiently help distressed OFWs due to financial constraints,” paliwanag niya.

Itinatakda rin sa HB 6195 ang pagbuo ng up-to-date database at locator system, disaster preparedness at mitigation measures para sa mabilis na paglilikas sa mga OFW.

Ang mga OFW ay maaaring ilikas kapag ang lugar na kinaroroonan nila ay may digmaan, epidemiya, kalamidad, at iba pang mapanganib na sitwasyon. – RP/FRJ, GMA News

If this amendment would be approved, it would be an additional burden to millions of Overseas Filipino Workers who are already contributing so much for the Philippine Economy. We, the OFWs around the world, the one they called Modern day Heroes, are actually their Modern day Milking cows!

here is the petition page, http://www.change.org/petitions/ofws-oppose-50-additional-fee-for-owwa-repatriation-fund-stop-the-amendment-of-republic-act-8042-of-rep-ma-theresa-bonoan-david?fb_action_ids=4216423328071&fb_action_types=change-org%3Arecruit&fb_ref=__hlSfgSwrsB&fb_source=other_multiline

Better DON’T VOTE That Congresswomen this coming 2013 election.

Every money earn of every OFW they need to sacrifice their self for the sake of their family and sometimes they only low salary rate then if the bill will pass what will happen. Congresswomen are you STUPID? to create that kind of bill? try to work as OFW and then you can experience how difficult to work abroad and sometimes their boss or employer they tread them bad, you need to think 1st before creating that STUPID BILL.

How about instead you create that BILL create a a certain bill for additional taxes for SIN TAX because very filipino died because of the cigarette and instead creating that STUPID BILL create some additional project or lesser the Pork barrel. The taxes of every Filipino people and consider the taxes gain from OFW, you don’t have your salary as congresswomen in manila..

Read Full Post »